Ilulunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang website na www.mmsshakedrill.ph sa Lunes bilang paghahanda sa “Metrowide Shake Drill” sa Hunyo 22.

Mismong si MMDA Chairman Emerson Carlos ang mangunguna sa paglulunsad ng website.

Makikita sa website, ang mahalalagang impormasyon gaya ng tips kung ano ang mga dapat gawin kapag tumama ang malakas na lindol, listahan ng evacuation centers at mga instruction kung paano magpalista bilang kalahok, indibiduwal man o grupo.

Sinabi ni Carlos na palalawakin ang pangalawang shake drill dahil kasama na rin dito ang Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal upang tiyaking handa ang lahat para sa pinangangambahang pagtama ng “The Big One” o malakas na lindol.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Noong 2015 isinagawa ang unang metrowide drill na ipinakita ang iba’t ibang senaryo sa pagtama ng malakas na lindol, at mga pagresponde ng mga awtoridad. (Bella Gamotea)