Ang mga taong hindi sumipot sa petsa ng kanilang passport appointment ay hindi na maaaring makapag-apply muli sa loob ng 30 araw simula sa Hunyo 1, 2016.

Ito ang babala ni Foreign Affairs Secretary Jose Rene Almendras sa gitna ng maraming reklamo na inaabot ng dalawang buwan bago makakuha ng slot para sa passport interview.

“If you don’t show up you’re not going be able to reserve for 30 days,” sabi ni Almendras sa isang panayam sa telebisyon nitong Huwebes. “So please take your reservations seriously.”

Ayon sa foreign affairs chief, ipinakita ng statistics na 47 porsiyento ng mga tao na nag-apply para sa passport appointment ang hindi sumisipot sa itinakdang panahon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi niya na maraming Pilipino ang hindi pinahahalagahan ang kanilang mga slot dahil madali silang makapag-apply ng bago dahil walang passport application reservation fee.

“They just apply now, they don’t show up again,” sabi ni Secretary Almendras. “So starting June 1, if you do not show up for your appointment you’re gonna be put aside for at least a month. You are not going to apply for a new slot.”

Tinatayang 15,000 Pilipino ang nag-a-apply ng passport bawat araw. (Roy Mabasa)