davis copy

NEW ORLEANS (AP) — Talo na, nabawasan pa ng suweldo.

Ito ang problemang kinakaharap ni New Orleans Pelicans forward Anthony Davis nang malamang mababawasan ng US$24 milyon ang kanyang suweldo matapos mabigong makasama sa All-NBA team nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Bumaba sa US$21 milyon ang five-year extension contract niya na US$145 milyon dahil dito.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Bahagi sa provision ng NBA collective bargaining agreement ang “Rose rule” kung saan pinapayagan ang player na lumagda sa “maximum money extension”. Bilang rookie top pick, tatanggap si Davis ng karagdagang suweldo kung makapapasa siya sa nakahaing criteria sa pagtatapos ng kanyang ikaapat na taon.

Para magkuwalipika, kailangan niyang manalo ng Most Valuable Player, makasama sa All-NBA team ng dalawang ulit, at maiboto sa All-Star starter ng dalawang beses.

Nabigo si Davis, may averaged 24.3 puntos, 10.3 rebound, at dalawang block ngayong season, na manalo ng MVP, maiboto sa All-Star starter, at makasama sa All-NBA selection.