NGAYONG Sabado sa Lip Sync Battle Philippines, maghaharap ang mga bida ng kakatapos na romantic comedy series na Because of You para sa isang face off sa pagiging huling Lip Sync Battle Champion ng first season.

Handang-handa na si Carla Abellana at si Rafael Rosell na patunayan na hindi lang sila mga premyadong artista kundi total performers din.

Excited na ipakita ang kanyang fun and crazy personality habang ginagaya ang kanyang paboritong singer, inamin ni Carla na nacha-challenge siya kay Rafael dahil dati na itong sumasayaw. Samantala, tiniyak naman ni Rafael na masosorpresa ang mga manonood sa kanyang performance.

Ayon sa Lip Sync Battle Philippines host na si Michael V. at color commentator na si Iya Villania, dapat abangan ng mga manonood ang hard-to-forget performance ng dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Magandang book end ito para sa season one kasi siksik. Si Carla, masosorpresa ka kasi hindi mo aakalaing gagawin niya yun. Ito naman si Rafael, wildcard performance kasi grabe yung pagcareer niya sa performance niya. Hindi niyo basta-basta makakalimutan ‘to. Para silang indelible ink sa utak. Mahirap matanggal agad,” masayang sinabi ni Michael V.

Huwag palampasin ang Lip Sync Battle Philippines ngayong gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.