CAMILING, Tarlac - Maagang sinundo ni Kamatayan ang isang driver ng motorsiklo na inararo ng pampasaherong Five Star bus sa highway ng Barangay Bilad, Camiling, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Marcial Espiritu ang biktimang si Efraim Marcos, 35, may asawa, karpintero at mekaniko ng nasabing barangay, na nagtamo ng grabeng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at patay na nang idating sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital sa Bgy. Malacampa, Camiling.

Ayon sa pulisya, dakong 4:00 ng umaga at bumibiyahe patimog ang bus (UYE-486) na minamaneho ni Porfirio Santiago, 47, ng Bgy. Sta. Cruz, Concepcion, Tarlac, nang aksidente nitong mabundol ang motorsiklo ni Marcos.

(Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?