KIANGAN, Ifugao - Isang 52-anyos na lalaki ang namatay matapos mahulog sa bangin dulot ng sobrang kalasingan, sa bayang ito.

Kinilala ni Senior Supt. Constancio Chinayog, Jr., officer-in-charge ng Ifugao Police Provincial Office, ang nasawi na si Rogelio Dumangleg Indunan, 52, ng Sitio Palo, Barangay Duit, Kiangan, Ifugao.

Sa imbestigasyon, Miyerkules ng gabi at kasama ni Indunan pauwi ang ilang kaibigan matapos ang maghapong inuman sa kapitbahay nang sa paglalakad nila sa may junction ng Bgy. Duit ay nawalan ng balanse si Indunan hanggang nahulog sa bangin na may lalim na pitong talampakan.

Agad na sumaklolo ang mga residente sa lugar para maiahon at madala sa ospital ang walang malay na si Indunan, ngunit idineklara itong dead on arrival dahil sa pagkabagok sa bato. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog