NEW YORK (AP) — Kumubra ng isa pang parangal si Stephen Curry.
Kabilang ang dead-eye point guard ng Golden State Warriors sa All-NBA first team na ipinahayag nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Tulad ng kanyang pagkapanalo sa ikalawang MVP, nakuha ni Curry ang lahat ng 129 na boto mula sa sportswriter at broadcaster mula sa US at Canada na nagkokober ng NBA.
Nakasama ni Curry sa first team sina LeBron James ng Cleveland, Russell Westbrook ng Oklahoma City, Kawhi Leonard ng San Antonio at DeAndre Jordan ng Los Angeles Clippers.
Nakuha ni James ang parangal sa ika-10 pagkakataon sa loob ng 13 season, habang ikalawang sunod ito para kay Curry,atkauna-unahan para kina Westbrook, Leonard at Jordan.
Napili naman sa second team sina Kevin Durant ng Thunder, Draymond Green ng Golden State, DeMarcus Cousins ng Sacramento, guard Chris Paul ng Clippers at Portland guard Damian Lillard.
Magkakasama naman sa third team sina Indiana’s Paul George, San Antonio’s LaMarcus Aldridge, Detroit’s Andre Drummond, Golden State’s Klay Thompson at Toronto’s Kyle Lowry.
Bumuto ang media batay sa posisyon ng mga player.