NASUGBU, Batangas - Patay ang isang 10-anyos na lalaki makaraang malunod sa swimming pool ng isang resort sa Nasugbu, Batangas.

Dead on arrival sa Jabez Medical Center si Dobert Cayab, Grade 2 pupil, na taga-Silang, Cavite.

Ayon sa report ni PO3 Garry Felicisimo, dakong 5:45 ng hapon nitong Mayo 23 at naglalangoy ang bata sa swimming pool ng El Cacar Beach Resort sa Barangay Wawa nang umano’y malunod.

Kasama ng biktima ang mga kapamilya sa naturang resort para sa kanilang family outing, ayon sa pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog