SI ex-Pres. Manuel L. Quezon (MLQ) ang nagsabi noon: “My loyalty to my party ends where my loyalty to my country begins.” Ngayon naman, nagpahayag si incoming president Rodrigo Roa Duterte (RRD) na: “My friendship with my friends ends where the interest of my country begins.” Patama ito ni President Rody kay evangelist Apollo Quiboloy (AQ), lider ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, kaugnay ng mga ulat na “nagtatampo at nasasaktan” umano ang huli dahil parang naiitsapuwera siya sa sirkulo ng bagong presidente ng bansa.

Si Quiboloy ang nangungunang supporter ni RRD na siyang nagpahiram ng jet at helicopter sa huli para sa pangangampanya. Inamin din ni Mayor Duterte na ilang real estates (lupa) ang ibinigay sa kanya ni Quiboloy. Mahigit 30 taon na silang magkaibigan, magkalaro sa golf at magksamang nagmomotorsiklo.

Nagtatampo si Quiboloy, ayon sa kaibigan kong broadcaster na si Mike Abe, spokesman ng evangelist, dahil hindi man lang umano siya kinukonsulta ng machong alkalde sa pagpili ng mga magiging miyembro ng kanyang Gabinete. May pahiwatig pang waring hinahadlangan ng inner circle o cordon sanitaire ni Mang Rody si Quiboloy na makausap ito.

Ewan lang kong nagkausap na sila nitong huli.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Binanatan din ni RRD ang Simbahang Katoliko (hindi katolika, pero ‘pag ang gamit ay Iglesia, ito ay Iglesia Katolika) dahil sa pagbatikos sa kanya bago maghalalan. Tinira niya ang Simbahan bilang “hypocritical institution” nang mag-isyu ng pastoral letter ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang hikayatin ang mga mananampalataya na huwag siyang iboto. Isang linggo bago ang halalan, hiniling ng CBCP sa mga mananampalataya na tanggihan ang “morally reprehensible candidate” na nagpapamalas ng mababang pagpapahalaga sa human rights at sa mga aral ng Catholic Church.

Sa panayam sa paborito niyang wateringhole o inuman sa Davao City, inihayag niya na pagkaupong-pagkaupo niya bilang ika-16 presidente ng naghihirap at nagdurusang Pilipinas, ang una niyang kautusan ay ang pagpapairal ng curfew sa mga menor de edad, liquor ban at no-smoking sa pampublikong lugar. Kakausapin niya ang Kongreso kung kailangan pang magpasa ng isang national law para maisagawa ito o may sapat na siyang awtoridad sa ilalim ng malawak na police power of the state upang ipatupad ang kautusan.

Panahon ngayon ng mga “balimbing at paru-parong pulitikal”. Ang PDP-Laban na tatlo lang ang miyembro bago ang eleksiyon ay dinadagsaan ngayon ng mga pulitiko mula sa iba’t ibang partido. May 80 miyembro na ng LP ang bumalimbing at sumama sa Rody bandwagon. Sumuko na si Speaker Sonny Belmonte kay Davao City Rep. Pantaleon Alvarez bilang speaker. Ito ang realidad ng multi-party system kumpara sa two-party system noon (LP at NP lang) na liparan nang liparan at balimbingan nang balimbingan tungo sa bagong partido.

By the way, ayaw umano ni President Rody na magsuot ng Barong Tagalog o Amerikana (suit) sa kanyang inagurasyon. Ang barong daw ay para sa patay. Marami siyang kaibigang namatay na nakasuot ng barong. Ayaw din niya ng maluhong selebrasyon (balls at dinner) sa inagurasyon na gagawin sa Malacañang, sa halip na sa Luneta. Ano kaya ang isusuot niya? Ang ihahanda ba niya ay mga biscuit at sandwich, softdrinks at kape lang? Kaunti lang daw ang iimbitahan sa kanyang panunumpa. Sino kaya ang kasama niyang First Lady? (Bert de Guzman)