Itinakda ng Korte Suprema sa Nobyembre ang 2016 Bar Examinations.

Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, isasagawa ang bar exams ngayong taon sa Nobyembre 6, 13, 20 at 27 sa University of Sto. Tomas (UST) sa Maynila.

Ang mga nagsipagtapos sa law school na tumalima sa orihinal na school calendar ay maaaring iproseso ang kanilang aplikasyon mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 31.

Ang mga magtatapos naman sa Hunyo 2016 ay mayroong hanggang Agosto 15 para magsumite ng aplikasyon.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang itinalagang Bar Examination Committee Chairman. (Beth Camia)