TALAVERA, Nueva Ecija - Isang mag-asawang negosyante ang natangayan ng mga cell phone at pera na nasa sasakyan nilang nasa parking lot ng Talavera Parish Church habang dumadalo sila sa misa sa Diaz Street sa Barangay Maestrang Kikay sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga.

Inireklamo sa Talavera Police ng mag-asawang Fortuna Pingol Abalos at Elias Mendoza Abalos, kapwa ng Bgy. Sibul, ang pagkawala ng kanilang gamit sa loob ng kanilang Mitsubishi L-300 FB (AAJ-3997) habang nasa compound ito ng simbahan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Gilbert Dizon, dakong 5:20 ng umaga nang nagsimba ang mag-asawa at nang balikan nila ang kanilang sasakyan makalipas ang mahigit isang oras ay napansin nilang bukas ang unahang pinto nito at nawawala na ang kanilang mga gamit. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog