JAEN, Nueva Ecija - Nabahiran ng dugo ang pagtatalo ng isang magkapatid makaraang saksakin ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa Purok 4 sa Barangay Putol sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Jaen Police ang biktimang si Joselito De Luna y Fernandez, 64, walang trabaho, may asawa, at residente sa nasabing lugar. Inoobserbahan si De Luna sa ospital dahil sa natamong malalim na saksak sa dibdib.

Kaagad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis si Diosdado De Luna y Feliciano, 59, at nabawi rito ang ginamit na patalim.

Sa imbestigasyon ni PO1 Gerald Catacutan, dakong 1:30 ng hapon nang nagtungo si Joselito sa bahay ng kapatid pero nauwi sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap hanggang sa saksakin ni Diosdado ang kapatid. - Light A. Nolasco

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar