CAPAS, Tarlac - Nataranta at nabulabog ang isang birthday party sa Barangay O’Donnell sa bayang ito makaraang sumalakay ang dalawang lalaki para sunugin ang Toyota owner-type jeep ng isang barangay kagawad na nagdiriwang ng kaarawan sa lugar.

Sinabi ni PO3 Sarturnino Abes na ang sasakyang sinunog ay pag-aari ni John-John Dumulot, 43, may asawa, na halos hindi makapaniwala sa marahas na panununog sa kanyang sasakyan nina Jesus at Arnel Estrada, kapwa 23 anyos, ng Bgy. O’Donnell, Capas, Tarlac.

Dakong 12:10 ng umaga, nakikipag-inuman ang kagawad sa kanyang mga kaibigan nang sitahin niya ang pag-iingay ng noon ay lasing nang si Jesus, at sinabihan niya itong umuwi na.

Makalipas ang ilang minuto, pinuntahan ng mga suspek ang jeep (DSH-596) ni Dumulot, binuhusan ng gasolina at sinindihan, na ikinabulabog ng ilang bisita sa party.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nang kumprontahin ni Dumulot ang dalawang suspek ay pinagtulungan pa siyang bugbugin ng mga ito.

Naaresto ng pulisya si Arnel pero nakatakas si Jesus. - Leandro Alborote