Maagang nagpamalas ng dominasyon ang Philippine Team Gilas Cadet nang durugin ang Malaysia, 108-84, nitong Linggo sa opening day ng 2016 SEABA (Southeast Asian Basketball Association) Stankovic Cup sa Bangkok, Thailand.

Nanguna si Troy Rosario sa natipang 17 puntos para sandigan ang impresibong simula ng Gilas sa torneo. Nag-ambag sina Mac Belo at Mike Tolomia na may 16 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang humugot ng 15 rebound si Raymar Jose.

Magpapahinga ang Gilas bago harapin ang Singapore Martes ng gabi.

Umabante ang Pinoy sa 29-20 sa kaagahan ng first period bago isinara ang halftime sa 52-40.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Iskor:

Philippines (108) - Rosario 19, Belo 16, Tolomia 13, Ferrer 12, Jalalon 10, Jose 9, Pessumal 8, Vosotros 7, Pogoy 6, Escoto 4, Holmqvist 4, Tibayan 0.

Malaysia (84) - Y. Wong 22, C. Ma 15, Y. Kwaan 12, H. Gan 10, T. Kuek 8, W. Choo 6, C. Liaw 5, I. Yeo 4, K. Teo 2, W. Ong 0, L. Mak 0, C Chin 0.

Quarterscores: 29-20; 52-40; 80-60, 108-84.