Itinalaga bilang paboritong koponan ang Bali Pure na pinangungunahan ni league 2- time MVP Alyssa Valdez at ang Pocari Sweat sa 13th V-League Open Conference na pormal na sisimulan ang aksiyon sa susunod na Linggo- Mayo 28.

Ang dalawang koponan ang inaasahang magbabakbakan para sa titulo na binakante ng defending champion PLDT Home Ultera na hindi lumahok ngayon season.

Kasama ni Valdez sa Bali Pure ang kanyang kakampi sa PLDT at reigning NCAA MVP Grethcel Soltones at kasangga sa San Sebastian College na si Alyssa Eroa, dating San Beda star Janine Marciano at mga dating Ateneo de Manila player na sina Denden Lazaro, Bea Tan, Dzi Gervacio, Mae Tajima, Amy Ahomiro at playing coach Charo Soriano.

Ang Pocari Sweat ay pangungunahan nina dating National University ace hitter Myla Pablo at dating De La Salle duo nina Michele Gumabao at libero Melissa Gohing.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kabilang sa makakasagupa nila ang Philippine Air Force, Power Smashers, University of the Philippines, NU at provincial teams ng Baguio at Iriga. - Marivic Awitan