Bamboo

PINAGSAMA-SAMA ng Puregold Price Club Inc. kamakailan ang pinakamaningning na mga bituin ng bansa sa pinakamalaki at pinakaengrandeng pagtatanghal ng Tindahan ni Aling Puring (TNAP), ang national convention of sari-sari store owners na idinaos nitong nakaraang Mayo 18 hanggang 22 sa World Trade Center sa Pasay City.

Pinamagatang “PINASipag, PINASwerte, PINASenso: Isang Bayan Para Sa Panalong Tindahan,” ito ang ika-11 taon ng TNAP national convention ng Puregold. Pinasaya ang mga TNAP members ng world-class performances nina Bamboo, Sarah Geronimo, Sponge Cola, at sa mula marami pang ibang mahuhusay na Pinoy performers. 

Nakisaya rin sa event ang Eat Bulaga hosts na sina Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, at ang box-office superstar na si Bossing Vic Sotto at pati na rin ang mga malalaking artista tulad nina Piolo Pascual, Julia Montes, Megan Young, Carla Abellana, Janella Salvador, Janine Gutierrez, Luis Manzano, Kim Chiu, Ryan Agoncillo, Daniel Matsunaga, Erich Gonzales, Ogie Alcasid, Kathryn Bernardo, Juila Barreto, Michael V., Zanjoe Marudo, MC Muah, Donita Nose, Lassy, Iza Calzado, Dimples Romana, Yassi Pressman, 4th Impact, John Lloyd Cruz, at marami pang iba. Madami ding natutunang mahahalagang tips at kaalaman sa negosyo ang mga miyembro ng TNAP mula sa mga libreng seminars na binigay ng mga business masters tulad nina Francis Kong, Chinkee Tan, RJ Ledesma, Michaelangelo Lobrin, Dennis Sy, at Marvin Germo.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa TNAP i-like ang opisyal na pahina ng Puregold sa Facebook (www.facebook.com/puregold.shopping), at sundan ang @Puregold_PH sa Twitter, at @puregold_ph sa Instagram.