MONCADA, Tarlac – Tatlong umano’y drug pusher ang nalambat ng pulisya sa isinagawa nitong buy-bust operation sa Barangay Poblacion 4 sa Moncada, Tarlac.

Sa ulat kay Chief Insp. Edison Chua Pascasio, hepe ng Moncada Police, kinilala ang mga naaresto na sina Oaline Manuel, alias Fayette, 33, pang-apat sa Top 10 Priority Target sa ilegal na droga; Rey Challeg, 36; at Pocholo Manuel, 34, pawang taga-Bgy. Poblacion Norte sa Paniqui, Tarlac.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa tiyak na gramo ng shabu; at cell phone ni Manuel na puno ng text messages ng mga transaksiyon sa ilegal na droga. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog