CAMP DANGWA, Benguet - Narekober ng pulisya sa loob ng isang pampasaherong bus na patungong Baguio City ang isang backpack na may laman na marijuana bricks na nagkakahalaga ng mahigit P800,000, at pinaniniwalaang inabandona ng suspek sa sasakyan.

Nabatid kay Senior Supt. Florante Camuyot, director ng Benguet Police Provincial Office, na Mayo 19 nang nakatanggap ng text message ang Kapangan Municipal Police tungkol sa isang kahina-hinalang pasahero na naglagay ng dalawang backpack sa compartment ng bus na patungong Baguio.

Agad na nagresponde ang pulisya sa bus at nang tingnan ang backpack ay natagpuan sa loob nito ang marijuana bricks na tumitimbang ng 6.53 kilo at nagkakahalaga ng P848,900.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nag-iwan sa backpack. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog