APTOPIX Czech Republic Golden Spike

OSTRAVA, Czech Republic (AP) — Umigpaw mula sa mabagal na simula si Usain Bolt para tapusin ang 100-meter run sa 9.98 segundo, sa Golden Spike meet nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Mabagal man kumpara sa kanyang world record time na 9.58 na naitala noong 2009, napabilis ng Jamaican superstar ang tiyempong 10.05 segundo na naitala sa Cayman Islands may, isang linggo na ang nakalilipas.

Matapos ang Cayman meet, sumailalim sa therapy ang namamagang hamstring ni Bolt sa Germany bago tumulak patungong Czech Republic.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“My reaction was good,” pahayag ni Bolt. “The power behind the start wasn’t there. I didn’t execute.”

Ngunit, iginiit niyang mas masaya siya kung tumapos siya sa 9.8 segundo.

“I had to get to work a little bit harder at the end to get up the speed,” sambit ni Bolt. “If I can improve that it should be OK.”

Nakatakda ring sumabak si Bolt sa London Diamond League meet sa Hulyo 22 – huling kompetisyon sa Europe, bago lumaban sa Rio de Janeiro Olympics kung saan idedepensa niya ang sprint double event.

“This is a very important season. This is a very big year for me. I have a lot work to do. I just need to continue, need more races to go,” aniya.

Pumangalawa kay Bolts si Ramon Gittens ng Barbados (10.21), habang bronze medalist si Hassan Taftian ng Iran (10.25).

Ito ang ikawalong pagsabak ni Bolt sa Golden Spike. Noong 2012, nagwagi siya sa bilis na 10.04 sa Ostrava, bago nagwagi ng tatlong gintong medalya sa London Olympics. Napagwagian niya ang unang tatlong ginto sa 2008 Beijing Games.