Mayo 21, 1932 nang makarating ang aviator na si Amelia Earhart, ang unang babae na nakagawa ng solo transatlantic flight, sa Londonderry, Northern Ireland.

Nakaranas si Earhart ng problemang teknikal at navigation problem dahil sa pabagu-bagong panahon. Isang araw bago iyon, umalis siya sa Newfoundland, Canada, at naglakbay sa layong 2,000 milya sa loob ng 15 oras at 18 minuto.

Nagawa niya ang pagtatagumpay na ito limang taon matapos magawa ng Amerikanong piloto na si Charles Lindbergh ang non-stop solo flight sa Atlantic Ocean. Sinundan ni Earhart ang mga yapak ni Lindbergh at sinimulan ang sariling paglalakbay, sakay sa kanyang Lockheed Vega 5B.

Nagsimulang humanga si Earhart sa mga aviator sa kanyang Red Cross volunteer stint. Pinuri siya ng United States Congress sa kanyang naabot na tagumpay, at tumanggap ng Distinguished Flying Cross award. Taong 1935 nang maging career consultant si Earhart sa Purdue University, at Hulyo 1937 ginawa ang huli niyang biyahe.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?