BALANGA CITY, Bataan – Target ng Bataan na makapagtala ng panibagong Guinness world record ng pinakamaraming naitanim na puno sa Hunyo 24, Arbor Day.

Hinihimok nina Vic Ubaldo at Raul Mamac, ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang publiko na makiisa sa malawakang pagtatanim ng puno, na gagawin sa Orion at nasa 400,000 binhi ang planong itanim ng 10,000 volunteer.

Batay sa Guinness World Records, pinakamarami ang 208,751 puno na itinanim nang sabay-sabay sa iisang lokasyon noong Oktubre 30, 2015. Nasa 5,928 ang nakibahagi sa pagtatanim, na inisyatibo ng Talwandi Sabo Power Ltd. sa Mansa, Punjab, India.

Kumpiyansa naman sina Ubaldo at Mamac na mahihigitan ng Bataan ang nasabing record ng Punjab, sa suporta na rin ni Bataaan Gov. Abet Garcia at ng publiko. (Mar Supnad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito