MAY kuwento tungkol sa isang babae na nakilala ng pari na nagdala ng napakaraming novena-booklet sa simbahan.

Tinanong ng pari ang babae, “Sino ang paborito mong santo?” Sumagot ang babae ng, “Siyempre, gusto ko si Blessed Virgin Mary! Ngunit gusto ko rin ang kanyang kapatid!” Nagtaka ang pari at sinabing, “kapatid ni Mary? Sino siya?”

At muling sumagot ang babae, “Si Santa Trinidad, siyempre!”

Walang kapatid ang Mahal na Birhen at wala ring babaeng santo na ganoon ang pangalan ngunit ang Sta. Trinidad ay ang Spanish term para sa Holy Trinity.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngayong Linggo, ipagdiriwang ang kabanalan ng Holy Trinity. Sa lahat ng tinuturo sa mga Kristiyano, ang Blessed Trinity ang pinakamahirap intindihin. Sinasabi natin na ang 1+1+1 ay equals sa 3 ngunit sa Truine God ay 1+1+1 ay equals sa 1!

Bakit tayo naniniwala sa Diyos bilang Trinity? Ang simpleng dahilan ay dahil isiniwalat sa’tin ito ni Kristo. Sa gospel ni St. John, sinabi ng Panginoon na: “When the Paraclete comes, the Spirit of truth...whom I myself will send from the Father, he will bear witness on my behalf” (Jn 14,16).

Malinaw ding sinabi ni Jesus ang kanyang huling utos: “Go, therefore, into the whole world, teach all nations; baptize them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit” (Mt 28,19).

Paano natin naisasabuhay sa araw-araw ang misteryo bilang mga Kristiyano? Ang pagmamahal ang nag-uugnay sa Ama, Anak at Espiritu Santo. Kung may angkop na lugar para maisalamin ang pagmamahal ng Trinitarian, ito ay sa pamilya. Ang pamilya ay nagiging little Holy Trinity kapag ang bawat miyembro ng pamilya ay nagmamahalan, nag-aalagaan, at nagrerespetuhan.

Mas maging aware tayo sa Trinity kapag dinadasal natin ang Trinitarian prayer: “Glory be to the Father and to the Son and to the Holy Spirit…” Gayundin, kapag tayo ang nagsa-Sign of the Cross. (Fr. Bel San Luis, SVD)