RIA copy

ANG saya-saya ni Ria Atayde nang makausap namin sa asalto ng nanay niyang si Sylvia Sanchez noong Miyerkules ng hatinggabi dahil finally, mapapanood na siya sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

“Oh, Tita Reggee, another dream come true for me. Finally, magkaka-MMK na ako, thank God!” masayang sabi sa amin ng dalaga na malaki ang ipinayat ngayon.

Bago pa man napanood bilang Teacher Hope sa Ningning, inasam na ni Ria na sana ay mapanood siya sa MMK. Kaya nang alukin siya na gumanap sa award-winning anthology ay tuwang-tuwa siya at na-inspire pa siya lalo para magpapayat nang husto.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

“Halos lahat naman, Tita, di ba, pangarap na magkaroon ng MMK?” sabi ng dalaga.

Nagkaroon siguro ng ideya ang mga taga-MMK nang mapanood kamakailan si Ria sa Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na natural pala siyang umiyak.

Yes, Bossing DMB, mababaw ang luha ni Ria pagdating sa usaping pamilya at pareho sila ng Kuya Arjo Atayde niya na bilang Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsyano ay aakalain mong tigasin talaga pero sobrang lambot ng puso at maawain.

Kung walang aberya ay kahapon ang first taping day ni Ria sa MMK kasama sina Joseph Marco at Matt Evans.

Ayaw banggitin ng dalaga kung ano ang kuwento ng episode nila.

“Secret na lang po muna, Tita Reggee para panoorin mo, ha-ha-ha-ha,” sabi sa amin. (Reggee Bonoan)