“NO corruption” ngunit sisiguruhin ang abot-kayang mga pagkain, kalsada, at iba pang serbisyo at pasilidad para sa mga tao, ipinahayag ni presumptive President Rodrigo Duterte sa kanyang mga Gabinete.
Manatili tayong malinis. Maging seryoso tayo, diin ni Duterte.
Ipinagdiinan ni Duterte ang kanyang “no corruption” ngunit ”work well” kautusan sa mga natalagang bagong Cabinet secretaries katulad nina North Cotabato Gov. Emmanuel Pinol ng Department of Agriculture (DA) at Rep. Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Ensure available, affordable food for Filipinos and no corruption in the Department of Agriculture,” pahayag ni Duterte kay Piñol.
Magtanim ng mga makakain ngunit hindi ang buto ng kurapsiyon, nais niyang iparating.
“The task is gargantuan. It is not going to be easy to produce food for 105 million Filipinos,” pahayag ni Piñol, campaigner ni Duterte.
Ngunit sa pagdadasal at tulong ng Diyos, “I would live up to the expectation of the new President and the Filipino people” pangako niya.
Pagdating naman sa portfolio ng DPWH, “he (Duterte) said he wanted an honest person, no corruption. That was what he told Mark…as long as he would be honest and no corruption,” sambit ni Sen. Cynthia Villar.
Nangako si Villar na gagawin ang lahat para sa DPWH at sinabing “The DPWH is for the people. The roads are for the people.”
Okay, kung ganoon, ibigay ninyo sa taumbayan ang para sa kanila.
Sinabihan ni Duterte ang kanyang mga Cabinet secretaries at Executive appointees na respetuhin at suportahan ang kanyang istilo ng pamamahala.
Maging tapat, mahalaga at umaksiyon, ayon kay Pangulong Rody.
Inihayag kamakailan ni Duterte na ang ilan sa kanyang Cabinet official at ilan sa mga ito ay sina Carlos Dominguez ( finance), Arthur Tugade (DOTC), Jesus Dureza (peace adviser), Alan Cayetano (justice), Salvador Panelo (spokesman), Peter Laurel (education), Gilbert Teodoro (defense), and Perfecto Yasay (foreign affairs).
Inaasahan na sa mga susunod na araw ay madaragdagan pa ang kanyang Gabinete.
Yes sa mas matapat at maaasahan na mga tauhan sa gobyerno. (Fred M. Lobo)