PANIQUI, Tarlac – Isang ginang ang pinukpok ng martilyo ng kanyang kapatid dahil sa inggitan sa mana sa Bugallion Street, Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac.

Ayon sa ulat, dakong 12:15 ng tanghali nitong Miyerkules, nakahiga sa duyan si Daisy Ysmael, 50, nang sugurin ng nakababatang kapatid na si Dindo Gamboa, 44, may-asawa, nakatira sa Bgy. Commonwealth, Quezon City, at minartilyo sa ulo. Umawat sa kaguluhan ang anak ng biktima na si Orizon Yliad Ysmael, 20, subalit siya naman ang pinagbalingan ng tiyuhin.

Kahit naliligo sa dugo si Daisy ay nakuha pa nitong makatakbo para humingi ng saklolo. Dinala siya ng ilang residente sa Luis Tirso Rivilla Hospital kasama si Orizon.

Napag-alaman sa pulisya na inggitan sa malaking mamanahin ang pinagmulan ng away ng magkapatid.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inihahanda na ng Paniqui Police Station ang kasong attempted murder laban sa suspek. (Leandro Alborote)