MOSCOW (AP) — Apat na Russian weightlifters, kabilang ang world-record holder, ang pinatawan ng banned dahil sa doping.
Pinatawan ng apat na taong banned si Alexei Lovchev, nagwagi ng world title sa Houston nitong Nobyembre matapos ang world record total na buhat, matapos magpositibo sa ipinagbabawal na substance ipamorelin, ayon sa Russian Weightlifting Federation nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Binawi ang gintong medalay sa kanya at ibinigay sa silver medalist na si Lasha Talakhadze ng Georgia, habang binalewala ang nagawa niyang world record para manatili ang 16-anyos na marka ni Iranian lifter Hossein Rezazadeh.
Pinatwan din ng parehong parusa sina Russian weightlifters Alexei Kosov at Olga Afanasyeva, habang doble parusa ang tinamo ni dating European champion Olga Zubova bunsod ng ikalawang pagpalya sa drug test sa steroids.
Sumabak si Zubova, pumalya noong 2013 world championships, sa World meet isang buwan matapos ibaba ang ipinataw na doping banned.
Iginiit naman ng federation sa opisyal na pahayag na plano nilang iapela ang parusa kay Lovchev upang makalahok ito sa Rio Olympics dahil umano sa posibleng pagkakamali sa laboratory analysis, ngunit hindi na ito pumalag sa iba pang sanctioned sa dalawang atleta.
“The Canadian laboratory produced a mistaken result,” pahayag ni Russian federation president Sergei Syrtsov sa state TV.
“There is a chance, a good chance, that Alexei will still be able to go to Rio. Specialists are working on this,” aniya.
Sinabi ni International Weightlifting Federation lawyer Magdolna Trombitas sa Associated Press na tapos na ang ginawa imbestigasyon sa apat na Russian lifters, ngunit tumanging magbigay ng pahayag hingil sa apela.