TARLAC CITY - Inihayag ni Manila North Tollways Corporation (MNTC) President Rodrigo Franco na magdadagdag ng walong booth sa tollgate ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Bocaue, Bulacan, upang tugunan ang mahabang pila ng mga sasakyan sa lugar tuwing weekend at holiday.

Aniya, maglalaan ang MNTC ng P206 milyon para sa proyekto, na kapag natapos ay magiging 33 na ang booth sa naturang tollgate.

Napag-alaman na nilalaparan na rin ang kalsada sa toll plaza, at isinagad na rin ang kurbada papasok rito na nakasalubong na sa northbound lane at pagtatayuan ng concrete barrier, ayon kay Franco. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog