Itutulak ng mga mambabatas mula sa Cordilleras sa ika-17 Kongreso ang pagtatatag ng Cordillera Autonomous Region.

Ayon sa kanila, gahol na sa panahon ang 16th Congress upang maipasa ang HB 4649 dahil magsasara na ito sa Hunyo upang bigyang-daan ang 17th Congress.

Nakabimbin na ang HB 4649 sa Committee on Local Government, at inakda ito nina Baguio City Rep. Nicasio M. Aliping, Jr., Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat, Jr., Abra Rep. Maria V. Bernos, Kalinga Rep. Manuel S. Agyao, Apayao Rep. Eleanor Bulut-Begtang, Benguet Rep. Ronal M. Cosalan, at Mountain Province Rep. Maximo B. Dalog. (Bert de Guzman)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?