Angel Locsin5 copy

KUMUHA ng bagong condo unit si Angel Locsin sa Bonifacio Global City para may tutuluyan siya kapag inaabot ng sobrang trapik pauwi ng bahay nila sa Commonwealth, Quezon City.

Hindi pa ready for occupancy ang nasabing unit, inaayos pa, pero nag-post na ang Pilipinas Got Talent judge ng, “We were cleansing my new place, the previous owner dropped by and gave me a perfect welcome gift for the house! A framed photograph of a beautiful purple sunset that Ms Bern Wong (the owner) took in one of her travels. I just want to share it with you guys.

“I love purple sunset photograph so much that I asked her on the spot if she would take a photo of me at my new place. It’s still bare so we agreed to just shoot it raw. Natural lighting, no reflectors, no styling team, no make-up and no suklay. I just put on my white polo shirt and slipped out my moving day overalls get-up and Ms. Wong did her magic. Happy ako na may photo ako that will remind me of that memorable day.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ipinost ni Angel ito noong Lunes at pawang positive comments ang sinabi ng IG followers niya.

Ayon sa aming source, aabutin pa ng tatlong buwan bago makalipat si Angel sa nasabing unit kaya sa bahay nito sa Quezon City pa umuuwi ang aktres kasama ang magulang at mga kapatid.

Tinanong namin ang aming source kung iiwan na ba ng aktres ang bahay nito sa Commonwealth.

“Kanya pa rin ‘yung bahay niya. Baka temporary lang naman siya ro’n sa condo, pang-iwas trapik lang kapag sa south ang location ng work niya.”

Sabagay, knowing Angel, hindi niya kayang hindi makita ang pamilya niya sa mahabang panahon, kaya duda rin namin na magtatagal siya sa condo. Baka nga kinuha lang niya ito for investment at baka paupahan pagdating ng panahon since mataas na ang market value sa The Fort.

Tungkol naman sa Darna movie project ni Angel ay, “Wala pang sinasabi kung kailan, nagpapagaling pa kasi si Angel.”

Sa tanong naman namin sa isa pa naming source kung bakit pinalulutang ang mga pangalan nina Arci Munoz, Ritz Azul at Jennylyn Mercado na gaganap na Darna...

“Siyempre para iligaw muna at para hindi muna pag-usapan si Angel kasi nagpapagaling pa at may PGT (Season 5) pa.  Para hindi mainip ang tao,” pagtatapat sa amin.

Kaya nga ba dedma kami kapag may nababanggit na ibang pangalan na gaganap na Darna kasi alam naming si Angel Locsin na talaga at wala nang iba pa. (Reggee Bonoan)