Nais ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na alamin kung sino talaga ang pumatay o dapat managot sa pagkamatay ng bayaning si Andres Bonifacio.

Kailangang magtatag ng isang komisyon o malayang lupon na naka-attach sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para sa pagtukoy sa pumaslang kay Bonifacio, ayon sa dating alkalde ng Maynila.

Aniya, dapat mabatid ng isang historical fact-finding commission, na binubuo ng mga makabayan, mga edukador, mga historian, at mga research expert, kung sino talaga ang pumatay kay Bonifacio.

“But among these historical facts we find that some of our great heroes suffered tragic deaths at the hands of people who have been unnamed till now, and rendering these cases unsolved,” ani Atienza, at inihalimbawa rin ang mga kaso ng pagkamatay nina Heneral Antonio Luna at Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

RR sa pag-zumba ni Diwata: 'Dating hindi namamansin, ngayon nagpapapansin?'