SOLSONA, Ilocos Norte – Isang magsasaka at dalawa niyang alagang baka ang namatay matapos silang tamaan ng kidlat sa Barangay Aguitap, Solsona, Ilocos Norte, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Ryan Reototar, hepe ng Solsona Police, ang nasawi na si Rusel Balintona, 32, taga-Bgy. Aguitap, na agad na binawian ng buhay dahil sa third degree burns na natamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Tinamaan ng kidlat at nasawi rin ang dalawang alagang baka ni Balintona.

Napaulat na nangyari ang insidente dakong 3:00 ng hapon, habang isinusuga ni Balintona ang dalawa niyang baka. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog