STO. TOMAS, Batangas - Tuluyan nang hindi nagising ang isang tricycle driver matapos siyang pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Sto. Tomas, Batangas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Terancio Ibale Jr., 32, ng Barangay Sta. Maria.

Ayon sa report ng grupo ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 9:00 ng gabi nitong Linggo at natutulog ang biktima sa sala ng kanyang bahay nang pagbabarilin siya ng suspek, na pinaghahanap na ngayon. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar