Sunshine Dizon

Ni Nora Calderon

ISANG napakagandang balita ang natanggap ni Sunshine Dizon mula sa GMA Network. Hindi inisip ni Sunshine na muli siyang makakasama sa epic-serye, ang sequel ng Encantadia 2016.  

Natatandaan pa namin ang sinabi noon ni Sunshine na sana ay muli siyang makasama, kahit anong role, sa sequel. Gumanap siya sa unang serye bilang si Pirena, na sa bagong serye ay gagampanan ni Glaiza de Castro. 

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Mahal na mahal ni Sunshine ang kauna-unahan niyang epic series sa GMA-7.

“Hindi ko talaga inakala na mapapasali ako muli sa iconic series ng Kapuso Network,” sabi ni Sunshine. “Masaya ako kasi at first I thought si Dong (Dingdong Dantes) lang ang makakasama (galing) sa original epic.  Natuwa ako kay Dong na siya namang gaganap sa role ni Raquim na unang ginampanan ni Richard Gomez.

“Nang tawagan nila ako na kasama ako, nagulat ako, ano kaya ang role na ibibigay sa akin. Nakatutuwa kasi sabi nila they created a new character for me, sobrang na-touch ako at masayang-masaya ako.”

Ang maganda sa bagong character ni Sunshine, hanggang sa ending ng serye ay present siya.  

Tiyak makatutulong din siya sa mga bagong gaganap na Sang’gre na sina Glaiza, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia, sa pagbibigay ng pointers sa kanila.

Tamang-tama naman na katatapos lang ni Sunshine ng kanyang primetime drama with Nora Aunor and Eddie Garcia, ang Little Nanay at wala pa siyang bagong assignment sa network. 

Nagsimula nang mag-taping si Direk Mark Reyes ng Encantadia 2016 at nakatakda na silang mapanood sa July, with Marian Rivera as Ynang Reyna Minea.