Ni ADOR SALUTA

Dawn ZuluetaKUNG may isang artista na may karapatang magsalita tungkol sa peace and order sa Davao, walang iba ‘yon kundi si Dawn Zulueta.

Alam naman ng lahat na nang maging Mrs. Anton Lagdameo ang aktres, mas pinili niyang pansamantalang mamaalam sa showbiz para gampanan ang pagiging isang maybahay at ina ng kanyang mga anak.

Kaya’t  hindi  na kailangan pang pagdudahan kung paano ipagmalaki ng mag-asawa ang ating president-elect Mayor Rodrigo Duterte ng Davao.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Well ako naging maganda ang experience ko living in Davao. I loved it there. It was so peaceful, ‘yung order is really fantastic, malinis. Makikita mo talaga ‘yung disiplina maski nu’ng mga tao. At saka ‘yung, I guess ‘yung pag-manage talaga ni Mayor Rody lahat ng mga tao talaga meron talaga silang respeto para sa kanya so they follow the rules,” pahayag ni Dawn.

Noong  nasa Davao pa si Dawn, natutuhan at na-adapt na rin niya ang pagiging istrikto sa mga ipinapatupad na batas sa Davao. Mas peaceful pa nga raw sa kanilang probinsiya kaysa sa Metro Manila?

“It’s so simple, ‘yung no smoking, hindi ba? You’re allowed to smoke but you can only smoke in a certain area. You’re not allowed to smoke just anywhere outside. ‘Yung fireworks pinagbawalan niya. I remember when that ordinance was just done, bago pa lang siya siguro mga three years lang, binibiro ko si Mayor, sinasabi ko sa kanya, ‘Mayor naman, masyado namang istrikto ‘yan. Ba’t naman kailangan talaga walang fireworks? Hindi ba puwedeng maski ‘yung lights show man lang? Manonood na lang kami.’ Pero sabi niya, ‘Hindi, kailangan talaga ‘pag ginagawa kasi ‘yung mga ganyang klaseng ordinansa kailangan talaga muna istrikto. Masanay muna ang mga tao ng this way. And then later on, puwede na rin sigurong mag-loosen up.’ 

“I don’t know if he still thinks that way but I believe in that. Tama rin naman ‘yun. di ba?”

Nagustuhan din ni Dawn ang planong pagpapatupad ng curfew at bawal na pag-inom ng alak sa mga menor de edad sa bansa.

“Well, why not? Shouldn’t we all be sleeping? Aren’t kids also supposed to be asleep? I don’t see anything wrong with that,” katuwiran  ng aktres.

Sa hinaharap, hindi nakikita ng aktres na magiging pulitiko o hahawak siya ng isang posisyon sa gobyerno, kahit pa raw ialok ito sa kanya.

“Me? No, no, no. I do not know anything about running a town. I only know how to run a household and even that sometimes I fail so no, no, no!” natatawa niyang sabi. “I’m a supporter because I know also mayor Digong personally and I believe in him. I believe in what he can do so I think everyone should rally behind him and support him, give him this chance,” aniya.

Sa bagong administrasyon dapat daw magsuportahan at magkaisa ang lahat ng mamamayan para sa ating kaunlaran.

“I’d like to think that because of his -- maybe you can call it like a landslide victory also, marami talagang bumoto sa kanya, eh, madaming nagmamahal -- I’d like to think that lahat ‘yan gugustuhin na suportahan siya. So when he starts to implement siguro ‘yung mga rules kagaya ng ginawa na rin niya sa Davao, I’d like to think that we’re ready for it. The country is ready for it. And we’re ready for that kind of change because I think it’s a positive change,” pagtatapos ni Dawn.