Ni Gilbert Espena
Pinatunayan ni IBO super featherweight champion Jack Asis ng Pilipinas na may ibubuga siya maging sa mas mataas na dibisyon nang makopo ang 10-round unanimous decision kontra WBC Asian Boxing Council lightweight champion Waylon Law nitong Sabado, sa Toowoomba, Queensland Australia.
Nakipagsabayan ang 30-anyos na si Asis sa mas batang si Law na napatamaan niya ng kombinasyon, sapat para makaipon ng sapat na puntos tungo sa panalo.
Sa Montreal, Quebec, Canada nitong Sabado, dalawang beses napabagsak ng Pinoy boxer na si Ricky Sismundo si one-time world title challenger Canadian Dierry Jean, ngunit natapos ang laban sa draw.
“Former world title challenger Dierry Jean (29-2-1 20KO) dodged a bullet Friday night managing a 76-74, 74-76, 75-75 split draw after hitting the canvas twice in the fourth round versus Ricky Sismundo (30-9-3 13KO) of the Philippines,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.
“Each fighter threw and landed simultaneous right hands but Jean felt far more tumbling to canvas and having problems initially rising to his feet. The hometown fighter tumbled into the corner and was dropped later in the round as he struggled,” anila.
“Sismundo was able to match the speed of Jean, usually a clear advantage in most of his previous fights.”
Ito ang ikalawang kontrobersiyal na laban ni Sismundo matapos siyang matalo sa 10-round split decision kay WBO No. 4 at IBF No. 5 lightweight champion Kly Jose Felix Jr. ng Mexico nitong Enero 30 sa Burbank, California sa United States.