NGAYONG tapos na ang eleksiyon, simulan na ang pagpapahilom ng sugat at pagbabatian. Kailangan tanggapin ng mga hindi pinalad na sila ay natalo at ang mga nanalo naman ay dapat magpakumbaba sa kanilang pagkakapanalo, at hindi maging arogante.

Kinakailangang gampanan ng mga kandidato ang kanilang responsibilidad at i-promote ang kapakanan ng publiko. Ang resulta ng eleksiyon ay malinaw na naging dismayado ang mga mamamayan sa mga nagdaang administrasyon. Sa totoo lang, mas malayo ang mararating ng LP presidential bet na si Mar Roxas kung hindi niya idinikit ang sarili sa “Daang Matuwid” ng kasalukuyang administrasyon.

Si Salceda.Talagang marunong tumanaw ng utang na loob ang mga Albayanos. Si Joey Salceda ay nakakuha ng 92% vote dahilan upang mahalal siya bilang bagong Congressman. Ang kanyang termino bilang gobernador ay matatapos sa Hunyo, ng kasalukuyang taon. Sa mga nagdaang taon, siya ay nagsilbing third district Representative ng tatlong termino.

“Dios mabalos. Truly humbled by your love, I accept your command. Let us work together for the greater glory of our beloved Albay,” ani Salceda na nagpabago sa Albay mula sa pagiging lugmok dahil sa pananalasa ng mga kalamidad, ay naging maunlad at solidong nagsasama-sama para labanan ang climate change.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pangasinan, Zambales, at Cebu. Sa nakaraan kong column, ipinahayag ko ang mga obserbasyon sa nasabing tatlong probinsiya, at nasabing hindi posible na manalo ang isang kandidato na hindi gumagastos ng malaking pera. Naramdaman na mananalo si Gov. Amado Espino Jr. at kanyang grupo sa Pangasinan laban sa mayamang si Danding Cojuangco.

Sa Zambales, mahigpit nating inobserbahan ang electoral process. At ‘gaya nga ng inaasahan, muling nabawi ni Zambales Gov. Amor Deloso ang posisyong kanyang pinamahalaan sa loob ng 15 taon.

Sa Cebu, sa kabila ng pinagkagastusang kampanya ng mga Garcia na pinunan ang pitong kandidato kabilang na sina Winston Garcia, Pablo Garcia at Gwen Garcia,

Para sa iba’t ibang posisyon, ang re-electionist na si Gov. Hilario David Jr. ang nanalo.

Sa Aklan. Sa aking pinagmulan sa Kalibo (Aklan) kung saan ako bumoto, si Mayor William Lachica at ang kanyang lady vice mayor na si Madeline A. Regalado ang nanalo. Ang bagong halal na Sangguniang Bayan member, si Philip Yerro Kimpo, ay dating UP activist at ABS-CBN editor.

Si dating South Cotabato Gov. Mike Sueno ay tumulong upang masagip ang PDP-Laban sa Aklan, na aking inorganisa, katuwang si Martin Dino noong 1986. Ito ngayon ay pinamumunuan ni Engr. Edmundo Morales Tolentino.

Congratulations sa kaibigan kong si Joric Gacula sa pagkakapanalo bilang alkalde na hindi gaano gumastos sa kampanya.

(Johnny Dayang)