Makatutulong ba ang resulta ng overseas absentee voting (OAV) sa gitgitan sa vice presidential race nina Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Camarines Sur Rep. Leni Robredo?

Matapos mag-concede kahapon si Sen. Alan Peter Cayetano, naiwan ang bakbakan sa pagitan nina Marcos at Robredo, na lamang ang kongresista ng may 200,000 boto base sa unofficial quick count ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Hanggang 9:56 ng umaga kahapon, nananatiling nangunguna si Marcos sa OAV at unofficial tally matapos makakuha ng 60,753 (42.2 porsiyento) kumpara sa 47,913 (33.3 porsiyento) ni Cayetano, at 27.889 boto (19.4 porsiyento) ni Robredo.

Base sa datos mula sa Commission on Elections (Comelec)-GMA 7 mirror server, umabot na sa 23.26% ang nai-transmit na overseas vote.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa bilangan ng boto dito sa bansa, lamang si Robredo ng mahigit 200,000 boto kay Marcos.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na mahigit 25,000 overseas vote ang bibilangin pa, bukod sa 500,000 mula sa Maguindanao at 17,600 boto sa special elections, na isasama rin sa bilang.

“How significant was 250,000 votes from OAV? With that and Maguindanao plus 20,000 who have not voted? It’s a tight race and so I can understand why Senator Marcos is really on his toes,” ani Guanzon. (Martin A. Sadongdong)