Photo for Broom Broom BALITA (Page 11)_ copy

KAILANGAN n’yo ba ng pampakalma bilang pangontra sa sobrang init ng panahon?

Tutulong ang Petron sa mga motorista para manatili kayong kalmado gitna ng matinding init ng panahon sa pamamagitan ng ikinasang Best Day Promo nito sa mga piling outlet.

Titiyakin ng nangungunang oil company sa bansa na maganda ang simula ng inyong linggo sa pamamahagi ng mga libreng botelya ng Magnolia Purewater at Polo candy sa bawat pagbili ng ano mang halaga ng petrolyo simula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, mula Abril 22 hanggang Mayo 30, 2016.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa tuwing magpapakarga ng Petron Euro 4 Tri-Activefuels—Blaze 100, Extra Advance, DieselMax, at Turbo Diesel—sa promo period sa 20 service station sa Metro Manila, tatatakan ng mga service master ng stamp ang iyong resibo at bibigyan kayo ng malamig na Magnolia Purewater at Polo candy.

Bukod dito, maaari rin ninyong makahalubilo ang iyong mga paboritong Petron Tri-Active Spikers volleyball player at iba pang celebrity endorser, tulad ng aktor na si Luis Manzano at ng former Ateneo Lady Spikers star player na si Gretchen Ho, na sumusuporta sa Best Day promo.

Kabilang sa mga Petron station na nakikibahagi sa Best Day Promo ay ang mga sumusunod:

QUEZON CITY—Commonwealth Ave. cor. Atherton St.; Commonwealth Ave. cor. Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights; Commonwealth Ave., Bgy. Greater Fairview; Commonwealth Ave. cor. Arboretum Rd., Bgy. UP Diliman; Commonwealth Ave.

cor. Zuzuaregui, Old Balara; EDSA cor. Main Ave.; Katipunan Ave., C5 La Vista; While Plains; No. 188 E. Rodriguez Jr. Ave. (C5); 110 Boni Serrano cor. 4th Ave.

MANDALUYONG CITY—EDSA Connecticut; EDSA Sierra Madre; Shaw Boulevard, Wack-Wack

MAKATI CITY—363 Sen. Gil Puyat cor. Makati Ave.; EDSA Dasmariñas; EDSA corner Danlig Street, corner Iran Street

TAGUIG CITY—C5 Diego Silang; C5 Mckinley Hill

PASIG CITY—E. Rodriguez Ave., C5 Bo. Ugong (ARIS R. ILAGAN)