Nagtipun-tipon ang mga tagasuporta ni vice presidential candidate Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Luneta Park sa Maynila kahapon bilang tugon sa ipinaskil ng isang netizen sa social media na kumukuwestiyon sa bilangan ng boto kung saan naungusan na ang senador ng kanyang katunggali na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Tinaguriang “Occupy Luneta,” kumalat ang naturang post sa Facebook na nag-udyok sa mahigit 200 supporter ni Marcos, karamiha’y nakasuot ng pulang damit, na magtungo sa Luneta kahit pa tirik na tirik ang araw, bago magtanghali kahapon.

Ito ay sa kabila ng panawagan ni Marcos sa kanyang mga tagasuporta na manatiling kalmado subalit maging alerto habang hinihintay ang pagtatapos ng bilangan ng boto ng Commission on Elections (Comelec)

“Nakalagay sa Facebook, 9 a.m…this is my first time na pumunta sa ganito. Nakalaga sa FB na kitang-kita, ang laki ng diperensiya (sa bilangan ng boto),” ayon kay Chie Guerrero, isang real estate agent.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Natulog lang ako, si Leni Robredo na?” kuwento ni Glenda Imamoto, na nanggagalaiti pa nang dumating sa Luneta.

Base sa partial and unofficial tally ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), hanggang 2:58 ng hapon kahapon, umabot na ang boto ni Robredo sa 13,958,608, habang 13,726,880 naman ang kay Marcos.

“’Yun ating mga kasamahan, ‘yun ating mga supporter na nanawagang mag-rally sa Facebook, huminahon po kayo.

Magpalamig lang tayo ng ulo,” apela ni Marcos sa kanyang mga tagasuporta. (JENNY F. MANONGDO)