Sina presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte at vice presidentiable Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nanguna sa idinaos na local absentee voting (LAV).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, batay sa unofficial result ng LAV, malaki ang naging lamang nina Duterte at Marcos sa mga nakalaban nilang kandidato para sa May 9 national elections.

Nabatid na si Duterte ay nakakuha ng 10,283 boto sa LAV, sumunod sa kanya si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 4,375; ikatlo si Sen. Grace Poe na may 1,628; pang-apat si Liberal Party bet Mar Roxas na may 1,419 na boto; panglima si Sen. Miriam Defensor-Santiago na nakakuha ng 1,252 boto; at panghuli ang yumaong si dating Ambassador Roy Señeres na mayroong dalawang boto.

Sa vice presidential race naman, si Marcos ay nakakuha ng 11,683 boto, na malayung-malayo sa nakuhang boto ng pumapangalawa na si Liberal Party bet Leni Robredo na may 2,341 boto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasa ikatlong pwesto naman si Sen. Alan Cayetano na may 2,134 na boto; pang-apat si Sen/ Antonio Trillanes IV, 1,588 boto; panglima si Sen. Francis “Chiz” Escudero, 944 na boto; at pang-anim si Sen. Gringo Honasan, 314 na boto.

Isinagawa ang LAV mula Abril 27 hanggang 29. Ang canvassing ay isinagawa naman nitong Martes. (Mary Ann Santiago)