Serena Williams

ROME (AP) — Naging madali kay Venus Williams ang laban sa singles nitong Lunes (Martes sa Manila). Sa doubles event katambal ang kapatid na si Serena, may problema ang major champion.

Magaan na umusad sa susunod na round si Venus nang pabagsakin si CoCo Vandeweghe 6-4, 6-3 sa opening round ng Italian Open, ngunit nabigo ang tambalan nilang magkapatid kontra kina Andreja Klepac at Katarina Srebotnik ng Slovenia 6-1, 7-5.

Ito ang unang pagkakataon na naglaro sa doubles event ang magkapatid mula noong 2014 US Open. Naghahanda ang American champion para sa kanilang kampanya sa Rio Olympics kung saan target nila ang ikatlong gintong medalya sa doubles event.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“We didn’t play our best at the same time,” pahayag ni Venus. “That’s not typical. Usually one of us is playing well. That helps the team a lot. Two of us are playing well, it usually goes our way.”

Umusad din si Heather Watson ng Britain nang biguin si Sara Errani, 6-4, 3-6, 6-0, habang sinilat ni Lucia Safarova ng Czech Republic si dating French Open champion Francesca Schiavone 6-3, 6-2.

Sa men’s division, nabigo si Fabio Fognini ng Italy kay Guillermo Garcia-Lopez ng Spain 6-1, 7-6 (2), habang naisalba ni Milos Raonic ang dalawang break sa service para manaig kay wild card entry Marco Cecchinato 6-4, 4-6, 6-4.

Umayaw naman si seventh-seeded Jo-Wilfried Tsonga kay Frenchman Lucas Pouille.

“It’s not something good to be a little bit injured before this event,” aniya.

Sasabak din sa torneo ang big four na sina Novak Djokovic, Roger Federer, Andy Murray, at Rafael Nadal.