wade copy

MIAMI (AP) — Inulan ng batikos sa social media ang umano’y pambabatos ni Dwyane Wade sa National Anthem ng Canada.

Kalat sa social media ang video kung saan patuloy sa kanyang pregame routine ang Miami Heat star habang inaawit ang ‘O Canada’ sa Game 3 ng Eastern Conference playoff laban sa Toronto Raptors nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Imbes na pumila at makibahagi sa programa, makikitang tuloy sa kanyang ‘shoot around’ ang one-time NBA MVP.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Itinanggi naman ni Wade ang paratang.

“I’m not a disrespectful person,” pahayag ni Wade.

“So if anybody thinks I’m being disrespectful to a country, then they don’t know who Dwyane Wade is,” aniya.

Nangako si Wade na babaguhin ang kanyang istilo sa pregame sa pagpalo ng Game 4 sa Lunes (Mastes sa Manila).

“We spoke to the team, and the Heat will work with its players to make sure no pregame routines interfere with either anthem going forward,” pahayag ni NBA spokesman Tim Frank sa opisyal na pahayag na ipinadala sa Associated Press.

Sa home game ng Miami, regular na inaawit ang National Anthem sa pagtatapos ng warm up period. Ngunit, sa Toronto – tanging koponan ng Canada sa NBA – pumapailanlang ang awitin may 12 minuto bago ang warm up.

Sa lumalabas na video sa social network, may mga player na naghahagis ng bola sa court habang isinasagawa ang programa.

“If people aren’t here, they see video footage of what they want to see,” sambit ni Wade.

Mabilis ang naging reaksyon ng mga lokal na leader ng Canada sa naturang kaganapan.

“Hey @DwyaneWade a Canadian invented the game. Respect the anthem,” pahayag sa Tweet ni Toronto Mayor John Tory.

Hindi rin pinaligtas ni Toronto Councillor Norm Kelly ang naging aksiyon umano ni Wade.