Sa disperas ng Araw ng Halalan kahapon, pinakawalan ni Pangulong Aquino ang pinakamaanghang na batikos laban kay PDP Laban standard bearer Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na ikinumpara niya sa diktador na si Adolf Hitler na posible umanong maghasik ng lagim sakaling maluklok sa Malacañang.

Sinabi ni Aquino na dapat matuto ang mga botante sa aral ng kasaysayan at magkaisa sa pagsuporta sa isang kandidato sa pagkapangulo na “may takot sa Diyos, patas, may malasakit at ipagpapatuloy ang ‘Daang Matuwid’ na pamamahala.”

Sa kanyang talumpati sa miting de avance ng mga kandidato ng Liberal Party, sa pangunguna ni presidential candidate Mar Roxas at katambal nitong si Leni Robredo, sa Quezon Memorial Circle nitong Sabado ng gabi, ikinumpara ni Aquino ang matinding pagsikat ni Hitler sa Nazi Germany noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa posibleng pagkakahalal ni Duterte.

“’Pag inapi ang isa at hinayaan mo, ihinahanda mo na ang sitwasyon na ikaw naman ang susunod na apihin,” ayon kay Aquino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Nawa’y matutuhan po natin ang aral ng kasaysayan,” dagdag ng Pangulo.

Una nang nanawagan si Aquino sa pagtatatag ng “united front” laban sa kandidatura ni Duterte na umano’y may malaking posibilidad na maging diktador kapag naluklok sa Malacañang. - Genalyn D. Kabiling