veteran copy

Inangkin ni Erlinda Lavandia ang gintong medalya sa women’s shot put (60-64 aged class) upang pamunuan ang Pilipinas sa paghakot ng limang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso sa ikalawang araw ng kompetisyon sa 19th Asian Masters Athletics Championships na isinasagawa sa National Stadium sa Kallang, Singapore.

Naihagis si Lavandia ang bolang asero sa layong 8.10 metro upang talunin ang mga karibal na sina Narantsetseg Galsandoj ng Mongolia (7.51m) at Manjit Kaur ng India (7.42m).

Ang ginto ay ikalawa ni Lavandia sa torneo matapos unang magwagi sa javelin throw sa unang araw ng torneo.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Nabigo siyang makopo ang ‘triple crown’ sa throwing event nang maungusan sa hammer throw sa inihagis na 22.68 meter, sapat lamang para sa silver medal.

Itinala naman ni dating Asian Championships gold medalist Marestella Torres ang bagong competition at age group record sa pagsungkit sa gintong medalya sa women’s long jump (35-39) sa distansiyang 6.41meter.

Hindi naabot ni Torres, kumpirmado na makalalaro 2016 Rio De Janeiro Olympics base sa universality ruling, ang qualifying standard na 6.71 metro.

Naiuwi naman nina Eduardo Buenavista at Julius Sermona ang 1-2 finish sa men’s 10,000m run (35-39). Naisumite ni Buenavista ang 34 minuto at 38.46 segundo, habang ikalawa si Sermona na may 35:53.86.

Tumulong din sa gintong medalya sina Danilo Fresnido sa men’s javelin throw 40-44 (63.45m) at Joebert Delicano sa men’s triple jump 35-39 (14.03m). Nakapilak naman si Ma. Jeanette Obiena sa women’s short hurdles 45-49.

(Angie Oredo)