Nananatiling pasok si dating Justice Secretary Leila de Lima sa Magic 12 sa iba’t ibang survey sa mga senatoriable.

Bagamat nasa buntot si De Lima sa listahan, naniniwala pa rin siya na hindi na siya matitinag at baka umangat pa siya ng puwesto bunsod na rin ng puspusan niyang pangangampanya at sa pag-endorso na rin sa kanya ng maiimpluwensiyang grupo.

Huling nag-endorso kay De Lima ang religious sect na El Shaddai, ni Bro. Mike Velarde.

Sumuporta sa dating kalihim ang iba pang grupong relihiyon na kinabibilangan ng Ang Dating Daan ni Bro. Eli Soriano, Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy, Pentecostal Missionary Church of Christ ni Apostol Artemio Ferriol, Apu Dolores Banal A Sacrificio, Bishop Calampiano Almario Apostolic Catholic Church (National Shrine of Ina Poon Bato), Biblemode ni Benny Abante, at ni Pastor Jun Bautista, ng Adventists Church.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una nang inihayag ni De Lima na buo ang tiwala niya sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) na hindi ito gagawa ng hakbang na ikasisira ng kanyang pangangampanya kahit na batid naman ng lahat na minsan na niyang nakabangga ang sekta.

Samantala, itiinanggi rin ni de Lima ang mga akusasyon na “drug money” ang kanyang ginagamit sa pangangampanya, tulad ng akusasyon ng kanyang mga kalaban sa pulitika. (Leonel Abasola)