valdez copy

Sa huling pagkakataon, nais ni volleyball star Alyssa Valdez na maglaro sa Ateneo Lady Eagles.

Hindi sa UUAP, bagkus para sa kampanya ng Lady Eagles sa 18th ASEAN University games sa Hulyo 9-19, sa Singapore.

Iginiit ng three-time UAAP MVP na umaasa siyang makapaglilingkod sa eskwelahan bago tuluyang magtapos.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nabigo ang 22-anyos volley icon na maihatid ang Lady Eagles sa ikatlong sunod na kampeonato sa UAAP nang matudla ng La Salle Lady Archers.

“This July hopefully (makapaglaro) ako sa Asean University Games,” pahayag ni Valdez.

Nagwagi ang Ateneo ng bronze medal noong 2014 edition ng Asean University Games sa Palembang, Indonesia.

Wala pang kumpirmasyon kung kasama sa lineup ng Ateneo si Valdez, ngunit ngyon pa lamang ipinahayag niyang handa siyang maglaro para tulungan ang Ateneo sa inaasam na gold medal.

“Hopefully if possible pwede (pa ako makalaro), Ateneo ang dadalhin ko,” aniya.

“Pero I’m not yet sure kasi hindi pa kami nakaka-commit. So hopefully talaga kasi it’s for the country din naman.”

Bukod sa Asean University Games, ipinahayag din ni Valdez ang kahandaan na magbalik-laro sa 13th Season ng Shakey’s V-League.