Nais ni Donnie Nietes na pasayahin ang kanyang mga kababayan sa pagtataya ng World Boxing Organization (WBO) light-flyweight title ngayong buwan.

Ang 33-anyos na si Nietes ay sasagupa mismo sa harap ng kanyang mga kababayan sa Mayo 28, sa La Salle Coliseum sa Bacolod bilang main event sa ika-36 edisyon ng Pinoy Pride: A Legend in the Making.

Ito ang unang laban ni Nietes sa Negros Occidental sapul noong 2011 kung saan napagwagian niya ang 108-lb. korona sa pamamagitan ng unanimous decision kontra kay Ramon Garcia Hirales.

“Sobrang excited na,” sabi ng ipinagmamalaki ng Murcia, Negros Occidental sa kanyang homecoming.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi naman ito nababahala na makakasagupa si Raul “Rayito” Garcia, na kakambal ni Ramon Garcia.

Si Garcia, na mula sa Baja, California Sur, Mexico, ay inaasahang hahamon kay Nietes kung saan bitbit mismo ng 33-anyos na southpaw challenger ang 38-3-1 record kabilang ang 23 sa KOs.