Heat Raptors Basketball

Raptors, nakalusot sa lagablab ng Heat sa OT.

TORONTO (AP) — Parehong sitwasyon, magkaibang resulta.

Nauwi sa overtime sa ikalawang sunod na pagkakataon ang duwelo ng Toronto at Miami, ngunit sa pagkakataong ito, masayang nagdiwang ang host Raptors at umuwing luhaan ang Heat.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Hataw sina DeMarre Carroll sa 21 puntos, habang kumubra si Jonas Valanciunas ng 15 puntos at 12 rebound sa panalo ng Raptors kontra Heat, 96-92, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference best-of-seven semi-finals.

Kumubra si Valanciunas ng 11 puntos at pitong rebound sa kabuuan ng final period at overtime para sandigan ang Raptors sa krusyal na panalo at makaiwas sa back-to-back na kabiguan sa postseason.

Ratsada rin sina DeMar DeRozan na may 20 puntos, Kyle Lowry na kumana ng 18 puntos at Terrence Ross na may 10 puntos para sa Toronto, naghabol sa kabuuan ng laro bago nakapuwersa ng overtime sa ikalawang sunod na laro.

Sa pagkakataong ito, mas determinado ang Raptors.

Nanguna sa Heat si Goran Dragic sa 20 puntos, habang tumipa sina Dwyane Wade at Joe Johnson ng tig-17 puntos.

Nag-ambag si Hassan Whiteside ng 13 puntos at 13 rebound, habang humarbat si Luol Deng ng 12 puntos.

Gaganapin ang Game 3 sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Miami.

Abante ang Heat sa 77-70 sa kalagitnaan ng final period, bago nakaiskor ng back-to-back jumper si Valanciunas para sa 80-78, may 3:18 ang nalalabi sa laro. Naitabla ni Ross ang iskor may 2:01 ang nalalabi sa regulation.

Naisalpak ni Valanciunas ang put-pack shot mula sa mintis na ikalawang free throw ni DeRozan, may 1:22 sa laro para maagaw ang bentahe sa 82-80.

Umabante pa ng bahagya ang Raptors sa 84-80 mula sa jumper ni Lowry matapos ang mintis na tira ni Wade may 45 segundo sa laro.

Nakabuslo ng three-pointer si Wade, ngunit nakaiskor muli ng jumper si Lowry para sa 86-83 abante. Kaagad na nag-time out ang Heat at sa pagbabalik ng opensa, naisalpak ni Dragic ang three-pointer para maitabla ang iskor, may 10.5 segundo sa laro.

Nabigo si Lowry, naisalpak ang “hailed mary” shot sa buzzer para maipuwersa ang overtime sa Game 1, na maipanalo ang laro sa regulation nang magmintis sa kanyang tira sa buzzer.