Sharon Kiko copy

SA thanksgiving party nina Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan at Sharon Cuneta sa Celebrity Sports Plaza, tinanong ang huli tungkol sa paghihiwalay ng best friend niyang si Zsa Zsa Padilla at fiancé nitong si Architect Conrad Onglao.

“You have to respect and give her space if it’s something that ended,” sabi ni Sharon.

Inamin ni Shawie na nasaktan siya para sa dalawa na parehong malapit sa kanya at siya pa nga ang nagsilbing matchmaker.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“You have let her grieve,” sabi pa ni Sharon. “I am hurt for Zsa Zsa since she have been my friend for 20 more years, also Conrad who’s also a friend. But you know, they had a good relationship and Zsa Zsa is a decent woman.”

Samantala, kitang-kita ang kaligayahan ng mag-asawang Kiko at Sharon sa na thanksgiving party na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at kaanak at inaliw din ang mga bisita ng mga awitin nina Gary Valenciano, Gab Valenciano, Dessa, Noel Cabangon at marami pang iba.

Huli namang dumating ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion kasama ang Azkals player na si Aly Borromeo na nakilala na ng pamilya ni KC sa renewal of vows nina Sharon at Kiko noong Mayo 2.

Full support ang lahat ng mga kapamilya at kaibigan nila sa kandidatura ni Kiko para balik-Senado sa Mayo 9.

(REGGEE BONOAN)