Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang kolektor ng kita sa cell phone load matapos siyang holdapin at pagbabarilin sa Novaliches, Quezon City, iniulat kahapon .

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Leonardo Cabanas, nakatira sa Green Land Subdivision, Barangay Banaba, San Mateo, Rizal.

Agad na nasawi si Cabanas dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 11:15 ng umaga nitong Miyerkules, naniningil ang biktima sa sari-sari store ni Ronald Sevilla sa FB De Jesus Subdivision, Nagkaisang Nayon sa Novaliches nang biglang sumulpot ang armadong lalaki na nakamotorsiklo at nagdeklara ng holdap.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang tinutukan ng baril ang biktima ay inagaw ng suspek ang bag nito na naglalaman ng perang kinita sa cell phone load, subalit pumalag si Cabanas kaya malapitan siyang binaril ng suspek.

Makaraang makuha ang bag na naglalaman ng salapi, sumakay ang suspek sa motorsiklo na walang plaka at agad tumakas.

(Jun Fabon)